Angat Police, Sinuyod ang mga Stall ng Paputok
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya ng Philippine National Police (PNP) para sa isang ligtas at maayos na pagsalubong sa Bagong Taon, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang isang mahigpit na inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Celestial City Bazaar, Brgy. San Roque ngayong Disyembre 31, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng Visitorial Power ng PNP. Layunin ng operasyon na tiyakin ang istriktong pagsunod sa mga batas at regulasyon patungkol sa pagbebenta, pag-iimbak, at paghawak ng mga paputok. Sa pamamagitan ng inspeksyong ito, naiiwasan ang pagkalat ng mga ilegal na paputok at nasisiguro ang kaligtasan ng publiko, lalo na ng mga kabataan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng komitment ng Angat MPS na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong munisipalidad habang nagdiriwang ang komunidad.









Comments