Angat PNP: Seguridad at Katahimikan Ngayong Bagong Taon
- Angat, Bulacan

- 13 minutes ago
- 1 min read
Todo-bantay ngayon ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Bilang bahagi ng kanilang Community Engagement, aktibong umiikot ang kapulisan upang magbigay-babala tungkol sa Illegal Manufacture, Sale, and Use of Firecrackers and Pyrotechnics. Layunin nito na maiwasan ang mga sakuna at matiyak na tanging ang mga pinapayagang paputok lamang ang gagamitin sa mga itinakdang lugar.
Kasabay nito, binigyang-diin ng Pulisya ng Angat ang kampanya laban sa Noise Pollution. Ayon sa batas (Civil Code Art. 694), ang labis at hindi angkop na ingay ay itinuturing na "nuisance" o abala na maaaring may parusa. Hinihikayat ang mga residente na iwasan ang sobrang ingay na nakakaapekto sa kalusugan at kapayapaan ng kapitbahayan.
Ang lahat ng hakbang na ito ay alinsunod sa temang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na naglalayong magbigay ng serbisyong ramdam ng bawat mamamayan ng Angat. Hinihimok ang publiko na agad mag-ulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad o ilegal na pagtitinda ng paputok sa kanilang lokal na himpilan.









Comments