Angat PNP, Pinaigting ang Night Patrol sa Brgy. Sulucan sa Unang Gabi ng 2026
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng mas pinalakas na seguridad sa pagsisimula ng taon, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Brgy. Sulucan Road noong alas-9:00 ng gabi, Enero 1, 2026.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Pat Gil Nalupa, Patrol PNCO, sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga tinuturing na critical times o oras na malalim na ang gabi. Sa pamamagitan ng aktibong pag-iikot ng patrol vehicle, nilalayon ng Angat PNP na magbigay ng kapanatagan sa mga residente at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat sulok ng munisipalidad sa pagpasok ng bagong taon.









Comments