Angat PNP Namahagi ng IEC Materials para sa Ligtas Undas 2025
- angat bulacan
- Oct 30
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa Ligtas Undas 2025, nagsagawa ng pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) noong Oktubre 30, 2025, bandang 11:00 AM sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sementeryo sa bayan.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Angat MPS sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, ang nasabing aktibidad na layuning ipabatid sa publiko ang mga mahahalagang paalala sa kaligtasan, kabilang ang:
Mga dapat gawin bago umalis ng bahay upang maiwasan ang insidente ng pagnanakaw
Mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo gaya ng patalim, alak, sugal, at malalakas na sound system
PNP Hotline at ang Unified Emergency Hotline 911
Ang aktibidad ay bahagi ng proactive information drive ng Angat PNP upang matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na paggunita ng Undas 2025.
Malugod na nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga bisita, motorista, at mga vendor, habang nagbibigay ng mahahalagang paalala at pagtutok sa pagiging mapagmatyag at ligtas sa lahat ng oras.









Comments