Angat PNP, Nagsagawa ng Mobile Patrolling sa M.A. Fernando Road para sa Seguridad ng Publiko
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read
Updated: 2 days ago

Upang masiguro ang tuloy-tuloy na kaayusan sa bayan, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng M.A. Fernando Rd., Brgy. San Roque ngayong alas-12:00 ng tanghali, Enero 2, 2026.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Pat Aljon Marabulas, Patrol PNCO, sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas pinalakas na Anti-Criminality Campaign alinsunod sa 7-Focused Agenda ng Chief PNP. Layunin ng pagpapatrolya na mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at motoristang bumabagtas sa nasabing pangunahing kalsada sa gitna ng katanghalian. Sa pamamagitan ng aktibong presensya ng patrol vehicle, napanatili ang kapayapaan at seguridad sa lugar para sa ikakatahimikan ng komunidad.









Comments