Angat PNP, Nakipag-ugnayan sa Business Sector para sa Mas Ligtas na Komunidad
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Upang mas mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mga lokal na negosyante, nagsagawa ng Establishment Visitation ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ngayong umaga ng Enero 2, 2026.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Sa pamamagitan ng pagbisita sa mga iba't ibang establisyimento sa loob ng munisipalidad, layunin ng operasyon na paigtingin ang police visibility at palakasin ang koordinasyon sa mga business owners at kanilang mga tauhan.
Ayon sa pamunuan, ang hakbang na ito ay mahalaga upang maitaguyod ang seguridad sa komunidad at bumuo ng tiwala at kooperasyon sa pagitan ng pulisya at ng business sector. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, masisiguro ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat ng mga mamumuhunan at mamimili sa bayan ng Angat.









Comments