Angat PNP Nagtalaga ng Police Assistance Desks para sa “Ligtas Undas 2025”
- angat bulacan
- Oct 31
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng nationwide implementation ng “Ligtas Undas 2025”, nagtalaga ang Angat Municipal Police Station (MPS) ng mga Police Assistance Desks (PADS) noong Oktubre 31, 2025, simula 8:00 AM, upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at seguridad ng publiko sa panahon ng Undas.
Pinangunahan ni PCPT Mirari S. Cruz, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, ang mga itinalagang pulis katuwang ang mga tauhan ng MDRRMO, Criminology OJT students, at BSF Force Multipliers.
Itinalaga ang mga personnel sa iba’t ibang sementeryo, simbahan, at iba pang matataong lugar sa Angat upang:
Magbigay ng agarang tulong at seguridad
Magpanatili ng kapayapaan at kaayusan
Magpaalala ng mga safety protocols sa publiko
Bukod dito, nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga public transport terminals upang tiyaking sumusunod ang mga operators sa mga itinakdang safety measures para sa kaligtasan ng mga biyahero.
Ang inisyatibo ay bahagi ng kampanyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Patuloy ang panawagan ng Angat PNP sa publiko na maging mapagmatyag, makiisa, at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang matiyak ang ligtas at matahimik na paggunita ng Undas.









Comments