Angat PNP, Nagsagawa ng Mobile Patrolling sa Brgy. Marungko at Niugan
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read

Upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng publiko bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, nagsagawa ng masiglang Mobile Patrolling ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ngayong ika-1:00 ng hapon, Disyembre 31, 2025.
Sinuyod ng mga kapulisan, sa pangunguna ni Pat John Lloyd Lobos, Patrol PNCO, at sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC, ang kahabaan ng Brgy. Marungko at Brgy. Niugan. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng estratehiya ng kapulisan upang mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad (crime prevention) at mapanatili ang kapayapaan sa buong munisipalidad. Layon ng Angat MPS na ipadama ang presensya ng batas sa kalsada upang maging kampante at ligtas ang mga mamamayan sa kanilang pagdiriwang.









Comments