top of page
bg tab.png

Angat PNP, Nagsagawa ng Maagang Police Visibility para sa “Ligtas Undas 2025”

ree

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng paghahanda para sa Ligtas Undas 2025, nagsagawa ng police visibility operations ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station noong Oktubre 29, 2025, sa iba’t ibang sementeryo sa bayan, partikular sa mga lugar kung saan may maagang bumibisita sa mga puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

Pinangunahan ang aktibidad ni PCPT Mirari S. Cruz, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat MPS.

Layunin ng operasyon na tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at kaginhawaan ng mga bumibisita bago pa man ang kasagsagan ng Undas. Kabilang sa mga isinagawa ay ang pagmamando ng trapiko, pagtutok sa seguridad, at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Ito ay patunay ng patuloy na komitment ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng publiko tuwing All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Hinihikayat ng Angat MPS ang publiko na maging mapagmatyag, sumunod sa mga alituntunin ng sementeryo, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang maging ligtas at payapa ang pagdiriwang ng Undas 2025.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page