top of page
bg tab.png

Angat PNP, Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Brgy. Marungko

Updated: 3 days ago


Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa kriminalidad, nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Tapatan Road, Brgy. Marungko ngayong umaga ng Enero 2, 2026.


Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng direktiba ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Layunin ng aktibidad na ito na ipatupad ang batas at masiguro ang kaligtasan sa kalsada. Nakatuon din ang checkpoint sa pagsugpo sa mga ilegal na gawain tulad ng drunk driving, carnapping ng mga motorsiklo, at iba pang krimen.


Ang hakbang na ito ay alinsunod sa 7-Focused Agenda ng Chief PNP sa ilalim ng Anti-Criminality Campaign, na naglalayong magbigay ng kapanatagan sa publiko sa pamamagitan ng pagpigil sa anumang balak na masama ng mga kriminal sa loob ng bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page