top of page
bg tab.png

Angat MPS, Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint

Updated: Dec 29, 2025


Upang masiguro ang katahimikan at kaligtasan ng publiko, nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) noong Disyembre 28, 2025, sa kahabaan ng Tapatan Road, Brgy. Sulucan.


Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas (Duty OD), sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng proaktibong hakbang ng Philippine National Police (PNP) upang pigilan ang anumang kriminalidad, mapanatili ang kaayusan, at maipatupad ang mga batas sa bayan ng Angat. Layunin ng nasabing checkpoint na masigurong ligtas ang mga mamamayan lalo na sa panahon ng pagtatapos ng taon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page