Angat PNP Nagpaalala: Bawal ang Iligal na Paputok at Pyrotechnics sa Ilalim ng RA 7183
- angat bulacan
- Oct 27
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Muling nagpaalala ang Angat Police Station kaugnay ng mahigpit na pagbabawal sa paggamit, paggawa, at pagbebenta ng iligal na paputok at pyrotechnic devices, alinsunod sa Republic Act No. 7183, o ang “Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.”
Layunin ng batas na ito na mapanatili ang kaligtasan ng publiko, lalo na tuwing nalalapit ang holiday season kung kailan tumataas ang insidente ng mga aksidente dahil sa paggamit ng paputok.
📢 PAALALA SA PUBLIKO:
Kung kayo ay may impormasyon ukol sa iligal na paggawa, pagbebenta, o paggamit ng paputok at pyrotechnics, agad makipag-ugnayan sa Angat Police Station para sa kaukulang aksyon.
📍 Makipag-ugnayan sa:
Office/Agency: Angat Police Station
Contact Number: 0998-598-5373
Facebook Page: Pulisya Ng Angat
Email: angatpulis@yahoo.com
Tayo ay magdiwang nang ligtas at responsable. Iwasan ang paputok, kaligtasan ay sigurado!









Comments