Angat PNP Naglatag ng Police Assistance Desks sa Bus Terminal para sa Ligtas Undas 2025
- angat bulacan
- Oct 30
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng nationwide campaign na “Ligtas Undas 2025,” nagtayo ang Angat Municipal Police Station (MPS) ng mga Police Assistance Desks (PADS) sa mga estratehikong lugar sa bayan, kabilang ang Bus Terminal, noong Oktubre 30, 2025, simula 5:00 PM.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Angat MPS sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, upang tiyaking mataas ang antas ng police visibility, kaligtasan ng publiko, at kahandaan sa seguridad ngayong paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Bukod sa pagtatayo ng PADS, nag-deploy rin ang pulisya ng mga personnel sa mga sementeryo, simbahan, at matataong lugar upang agad na makapagbigay ng tulong at mapanatili ang kaayusan.
Sinamahan ito ng pag-iinspeksyon sa mga pampasaherong terminal upang tiyakin na sumusunod ang mga operator sa itinakdang safety protocols, para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga biyahero.









Comments