Angat PNP, Naghatid ng Ngiti at Pagkain sa Isinagawang Feeding Program
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read


Sinimulan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang huling araw ng taon sa pamamagitan ng isang makabuluhang serbisyo-publiko. 9:00 ng umaga, Disyembre 31, 2025, matagumpay na naisagawa ang isang Feeding Program sa tanggapan ng Legion of Mary.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PEMS Emmanuel G. Hernandez, MESPO, sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Layunin ng programang ito na maghatid ng masustansyang pagkain at munting kagalakan sa mga benepisyaryo ng komunidad bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Ang hakbang na ito ay bahagi ng Community Relations program ng PNP upang mas pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan at ng simbahan para sa ikabubuti ng mga mamamayan ng Angat.









Comments