top of page
bg tab.png

Angat PNP, Muling Nagpatibay ng Panata sa Karapatang Pantao; ‘Human Rights-Based Policing,’ Higit na Binigyang-diin

Sa gitna ng patuloy na pagpapakitang-gilas sa pagseserbisyo, muling pinagtibay ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa isinagawang Police Information and Continuing Education (PICE) nitong ika-17 ng Pebrero, 2026.


Ang aktibidad, na ginanap sa harap ng himpilan ng pulisya sa Brgy. San Roque, ay pinangunahan ni Pat Murphy T. Caoile, ang Human Rights PNCO ng istasyon, sa ilalim ng liderato ni PCpt. Jayson M. Viola, Officer-in-Charge (OIC).


Sa nasabing Daily Formation, mariing ipinaalala sa lahat ng mga tauhan ng Angat PNP na ang bawat aspeto ng kanilang operasyon—mula sa pagpapatrolya hanggang sa pag-aresto—ay dapat laging sumusunod sa mga pamantayan ng Human Rights. Layunin ng regular na paalalang ito na matiyak na ang dignidad ng bawat mamamayan ay napoprotektahan habang ipinatutupad ang batas.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page