Angat PNP, Mabilis na Rumesponde sa mga Reklamo ng Mamamayan
- Angat, Bulacan

- Jan 1, 2026
- 1 min read

Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng pagdiriwang, nagsagawa ng malawakang Patrol Operations ang Angat Municipal Police Station (MPS) noong gabi ng Disyembre 31, 2025, mula alas-8:30 ng gabi hanggang sa pagpapalit ng taon.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng direktiba ni PCPT Jayson M. Viola, OIC. Binaybay ng mga kapulisan ang iba’t ibang kalsada sa mga barangay ng Angat upang mabilis na matugunan ang mga sumbong at reklamo ng mga residente. Ang mga aktibong hakbang na ito ay bahagi ng commitment ng Angat MPS sa "proactive policing" upang masigurong hindi mabulahaw ang kapayapaan at manatiling ligtas ang bawat pamilya habang sumasalubong sa taong 2026.









Comments