Angat PNP, Bantay-Sarado sa Celestial City Bazaar
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya para sa seguridad ng publiko, nagsagawa ng Beat Patrol at Police Presence ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Celestial City Bazaar, Brgy. San Roque ngayong hapon, Disyembre 31, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Layunin ng operasyong ito na mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at negosyante sa isa sa pinaka-abalang lugar sa bayan. Sa pamamagitan ng aktibong presensya ng mga pulis sa kalsada, nilalayon ng Angat MPS na magbigay ng kapanatagan sa komunidad at matiyak na ang Angat ay nananatiling isang ligtas na lugar para sa lahat.









Comments