top of page
bg tab.png

Angat PNP: Aktibong Visibility sa mga Business Establishments, Isinagawa


Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng "Ligtas Bagong Taon" operations, nagsagawa ng Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa harap ng O'Save, Brgy. Tabok, ngayong hapon ng Enero 1, 2026.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pat Aljon Marabulas, Patrol PNCO, sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Ang deployment ng mga pulis sa mga istratehikong lugar gaya ng mga grocery stores at supermarkets ay naglalayong mapigilan ang kriminalidad at masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili na dumaragsa sa unang araw ng taon. Ayon sa pamunuan, ang aktibong presensya ng kapulisan ay susi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong munisipalidad ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page