Angat, Pasok sa Top 4 ng CLEXAH 2024 sa Central Luzon!
- Angat, Bulacan

- 20 minutes ago
- 1 min read

Muling nagningning ang Bayan ng Angat matapos mapabilang sa Top 4 ng prestihiyosong Central Luzon 11th Excellence Awards for Health (CLEXAH) 2024.
Ang parangal ay iginawad ng Department of Health – Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) bilang pagkilala sa mga Local Government Unit (LGU) at institusyong nangunguna sa pagpapatupad ng dekalidad na programa at inisyatiba sa larangan ng kalusugan.
Ang CLEXAH ay taunang pagkilala sa mga natatanging kontribusyon at tagumpay ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng mga serbisyo para sa Universal Health Care (UHC) sa buong rehiyon.
Ang pagkilala ay patunay ng matatag na commitment ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagsusulong ng dekalidad at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa bawat Angateño.









Comments