Angat MPS, Sinigurado ang Espirituwal na Pangangailangan ng mga PUPC sa Sunday Worship
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read
Updated: 14 hours ago

Sinigurado ng Philippine National Police (PNP) Angat Municipal Police Station (MPS) ang espirituwal na pangangailangan ng mga Persons Under Police Custody (PUPC) sa pamamagitan ng isang Sunday Worship ngayong araw, Nobyembre 30, 2025, bandang 7:00 AM.
Ang gawain ay isinagawa ng mga tauhan ng Human Resource and Administration Office (HRAO) ng istasyon, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT JAYSON M VIOLA, OIC.
Isinagawa ang Sunday worship sa pamamagitan ng Zoom Platform, na facilitated ng Balesin Christian Group, at ginanap sa Angat Custodial Facility sa Brgy. San Roque.
Ang inisyatibang ito ay umaayon sa mandate ng PNP: "Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman," na nagpapakita ng malasakit hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa espirituwal na kapakanan ng mga PUPC.









Comments