top of page
bg tab.png

Angat MPS, Pinaigting ang Seguridad sa mga Negosyo


Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at negosyante, nagsagawa ng Business Establishment Visitation ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa iba't ibang bahagi ng kanilang nasasakupan ngayong araw, Disyembre 29, 2025.


Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas (Duty OD), sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Sa nasabing pagbisita, binigyan ng kaukulang abiso ang mga security personnel ng mga establisyimento na maging mas mapagmatyag laban sa mga kahina-hinalang tao. Layunin ng hakbang na ito na patatagin ang ugnayan ng pulisya at ng pribadong sektor upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang banta sa seguridad, lalo na ngayong dagsa ang tao para sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page