Angat MPS, Pinaigting ang Mobile Patrolling
- Angat, Bulacan

- Dec 29, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng 7-Focused Agenda ng Chief PNP, nagsagawa ng maigting na Mobile Patrolling at Police Presence ang Angat Municipal Police Station (MPS) ngayong araw, Disyembre 29, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Pat John Lloyd Lobos (Patrol PNCO), sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Layunin ng operasyong ito na sugpuin ang mga kriminal na aktibidad, partikular na ang nakawan at pagnanakaw, sa pamamagitan ng pagpapanatiling nakikita ang mga pulis sa mga pangunahing kalsada at mga lugar na madalas puntahan ng mga tao. Sa pamamagitan ng hakbang na ito, layon ng Angat MPS na panatilihing ligtas ang bayan para sa paninirahan, pagtatrabaho, at pagnenegosyo.









Comments