Angat MPS, Nakiisa sa Sunday Worship sa Brgy. San Roque
- Angat, Bulacan

- Feb 22
- 1 min read

Binigyang-diin ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kahalagahan ng espirituwal na katatagan sa pagganap ng kanilang tungkulin matapos makiisa ang mga tauhan nito sa ginanap na Sunday Worship Service nitong ika-22 ng Pebrero.
Ang pagbisita sa Angat Christian Church na matatagpuan sa Brgy. San Roque ay pinangunahan ni PMSg Rodrigo Bryan Torres, ang MCAD (Municipal Community Affairs and Development) PNCO ng Angat MPS.









Comments