top of page
bg tab.png

Angat MPS, Nakiisa sa Barangay Assembly sa Sta. Lucia upang Palakasin ang Seguridad at Ugnayan sa Komunidad

Oct 26
1 min read

Nagsagawa ng Barangay Assembly ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga opisyal at residente ng Barangay Sta. Lucia, Angat, Bulacan noong Oktubre 25, 2026, humigit-kumulang ika-4:30 ng hapon.


Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni PCPT Lydio V. Venigas, Duty Officer of the Day (OD), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS.


Layunin ng pagtitipon na palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan ng kapulisan, pamunuan ng barangay, at ng mga mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong pamayanan.


Tinalakay sa asembleya ang mga mahahalagang usapin ukol sa pag-iwas sa krimen, pagpapanatili ng seguridad, agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang gawain sa sakop ng barangay, at ang pagpapalakas ng aktibong partisipasyon ng komunidad para sa pangkalahatang kaayusan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page