Angat MPS, Nagsagawa ng School Visitation sa Colegio de Sta. Monica

Nagsagawa ng school visitation at pinaigting na police visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police, sa Colegio de Sta. Monica sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan ngayong Oktubre 29, 2026, simula ika-6:20 ng umaga.
Layunin ng patuloy na pagbabantay sa mga paaralan na panatilihing ligtas, maayos, at payapa ang kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro, at kawani upang makapag-aral at makapagturo nang walang pangamba sa anumang krimen o kaguluhan.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng direktang pag-iikot ng kapulisan at pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan bilang bahagi ng mga hakbangin para sa pampublikong kaligtasan sa buong bayan.
Nagpaalala rin ang Angat MPS sa publiko na sa oras ng anumang pangkagipitan o emergency, maaaring tumawag agad sa Unified Emergency Hotline 911 na bukas 24/7 para sa mabilisang pagresponde.










Comments