top of page
bg tab.png

Angat MPS Nagsagawa ng Pre-Deployment Briefing para sa GulayAngat Festival Security


ree

ANGAT, BULACAN — Maagang nagsagawa ng Pre-Deployment Briefing ang Angat Municipal Police Station (MPS) noong Oktubre 13, 2025, ganap na 4:30 ng umaga, bilang paghahanda sa security operations para sa parada ng GulayAngat Festival.

Pinangunahan ang briefing ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, kasama si PEMS Emmanuel G. Hernandez, MESPO. Itinalaga ang mga tauhan sa mga pangunahing lansangan ng bayan upang:

  • Masigurong ligtas at maayos ang daloy ng parada

  • Mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang isinasagawa ang selebrasyon

  • Magbigay ng agarang tugon sa anumang insidente o emergency

Ang deployment ay bahagi ng mas pinaigting na seguridad na ipinapatupad ng Bulacan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Angel L. Garcillano, kasabay ng pagtutok sa kaligtasan ng mga kalahok at manonood ng naturang pagdiriwang.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page