top of page
bg tab.png

Angat MPS Nagsagawa ng Oplan Bandillo para sa Ligtas Undas 2025

ree

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng paghahanda para sa paggunita ng Undas, nagsagawa ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ng Oplan Bandillo noong Oktubre 30, 2025, simula 7:30 AM, sa harap ng Police Assistance Desks (PADs) at bus terminals sa bayan.

Pinangunahan ni Pat. John Lloyd Lobos, Patrol PNCO, katuwang ang BSF Force Multipliers, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat MPS, ang aktibidad na layuning magbigay paalala at impormasyon sa publiko kaugnay ng Ligtas Undas 2025.

Sa pamamagitan ng public address, ipinaabot sa publiko ang mga safety reminders, kabilang ang mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo gaya ng:

  • Patalim at iba pang matutulis na bagay

  • Alak o inuming nakalalasing

  • Kagamitan sa sugal

  • Malalakas na sound system

Ibinahagi rin ang PNP Hotline Number at ang national emergency hotline 911 para sa mga nangangailangan ng agarang tulong.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page