Angat MPS, Nagsagawa ng Inspeksyon sa mga Junkshop
- Angat, Bulacan

- Dec 28, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na kalakalan, naki-isyu sa "Visitorial Power" ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ng pag-inspeksyon sa mga junkshop sa Tugatog, Brgy. Marungko ngayong araw, Disyembre 28, 2025.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Layunin ng aktibidad na ito na matiyak na ang mga junkshop ay sumusunod sa mga batas laban sa krimen, lalo na ang Anti-Fencing Law, upang maiwasan ang bentahan ng mga nakaw na gamit. Sinuri rin ang kanilang pagsunod sa environmental standards at mga lokal na regulasyon sa negosyo para sa kaligtasan ng komunidad.









Comments