Angat MPS Nagsagawa ng Feeding Program para sa Persons Under Police Custody (PUPCs)
- angat bulacan
- Oct 19
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Gulay Angat Festival at sa ilalim ng direktiba ng Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) para sa mga Persons Under Police Custody (PUPCs) noong Oktubre 19, 2025, ganap na alas-8:00 ng umaga.
Pinangunahan ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat MPS, ang aktibidad sa Angat Custodial Facility, katuwang ang ilang pribadong indibidwal na boluntaryong tumulong sa inisyatibo.
Layunin ng programa na:
Matugunan ang pangangailangan sa nutrisyon ng mga PUPCs
Mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kapakanan
Suportahan ang human rights advocacy ng Philippine National Police
Ang programang ito ay sumasalamin sa patuloy na malasakit ng Bulacan Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCOL Angel L. Garcillano, para sa bawat indibidwal—anuman ang kanilang kalagayan—alinsunod sa PNP’s Intensified Community Engagement (ICE) Program.
Tinututukan ng kapulisan hindi lamang ang seguridad, kundi pati ang pagkakaroon ng isang makatao, ligtas, at maayos na komunidad sa buong lalawigan ng Bulacan.









Comments