Angat MPS, Nagsagawa ng Evening Formation at Accounting of Personnel
- Angat, Bulacan

- Apr 13
- 1 min read

Upang masiguro ang kahandaan at disiplina ng mga kawani sa pagtatapos ng araw, nagsagawa ng regular na pagtitipon at pagtutuos ng mga tauhan o Evening Formation and Accounting of Personnel ang Angat Municipal Police Station (MPS) ngayong Abril 13, 2026.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Israel Estimada, Patrol PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police ng Angat MPS. Ito ay isinagawa dakong 7:45 ng gabi sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Angat.
Ayon sa Angat MPS, ang pagpapanatili ng maayos na hanay at pagtutok sa disiplina ng mga pulis ay malaking tulong upang mas mapaganda ang serbisyo sa publiko at mapanatiling payapa ang bayan ng Angat.









Comments