top of page
bg tab.png

Angat MPS Nagsagawa ng Community Engagement sa Barangay Banaban Bilang Pagtugon sa Intensified Community Engagement Program ng PNP

ree

ANGAT, BULACAN — Patuloy na pinalalakas ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang ugnayan nito sa komunidad sa pamamagitan ng community engagement activity na isinagawa sa Barangay Assembly ng Brgy. Banaban noong Oktubre 25, 2025, ganap na 1:00 ng hapon.

Ang aktibidad ay isinagawa alinsunod sa direktiba ng Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., at sa pamumuno ni PCOL Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, at pinangunahan sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat MPS.

Sa pamamagitan ng lecture at open dialogue, tinalakay ng mga pulis ang iba’t ibang mahahalagang paksa na may kinalaman sa:

  • Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)

  • Kampanya kontra iligal na droga at terorismo

  • Project BE CAREFUL

  • Peace and order maintenance

  • Kaligtasan ng Children in Conflict with the Law (CICL) at Children at Risk (CAR)

  • Violence Against Women and their Children (VAWC)

  • Gender-based violence

  • At iba pang anti-criminality safety tips

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Intensified Community Engagement (ICE) Program ng Philippine National Police, na layuning paigtingin ang koneksyon ng pulisya sa mamamayan bilang pundasyon ng isang mapayapa, ligtas, at responsableng komunidad sa bayan ng Angat at sa buong lalawigan ng Bulacan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page