Angat MPS Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Brgy. Sulucan
- angat bulacan
- Oct 12
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Upang mapanatili ang kaayusan at labanan ang kriminalidad, nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) noong Oktubre 11, 2025, dakong 9:00 ng umaga, sa kahabaan ng M.A. Fernando Road, Brgy. Sulucan, Angat, Bulacan.
Pinangunahan ang operasyon ni PCPT Mirari S. Cruz, Duty Officer of the Day, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat MPS.
Layon ng checkpoint na:
Makapagpigil at makapagsawata ng mga krimen gaya ng pagnanakaw, carnapping, at ilegal na pagbibiyahe ng baril at droga
Masiguro ang kaligtasan ng publiko
Magpatupad ng visible police presence sa mga lansangan
Ang aktibidad ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP Anti-Criminality Strategy na isinusulong sa buong lalawigan sa ilalim ng pamumuno ng Bulacan Police Provincial Office.









Comments