Angat MPS Nagpatupad ng Area Security sa GulayAngat Festival Parade
- angat bulacan
- Oct 13
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Noong Oktubre 13, 2025, dakong alas-6:00 ng umaga, nagsagawa ng Area Security Operation ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, bilang suporta sa pagsisimula ng parada ng GulayAngat Festival.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang:
Matiyak ang kaayusan at seguridad ng parada
Mapanatili ang kapayapaan sa buong pagdiriwang
Magbigay ng agarang tugon sakaling magkaroon ng aberya sa ruta ng parada
Ang aktibong presensya ng kapulisan ay bahagi ng patuloy na commitment ng Bulacan Police Provincial Office na protektahan ang publiko sa panahon ng malalaking pagtitipon at selebrasyon.









Comments