Angat MPS, Naglunsad ng Oplan Sita
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read

Upang masiguro ang kaayusan at mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa iba't ibang estratehikong lugar sa munisipalidad noong gabi ng Disyembre 30, 2025.
Ang operasyon na nagsimula bandang alas-6:30 ng gabi ay pinangunahan ni Pat Murphy Caoile, sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge. Ang hakbang na ito ay bahagi ng masiglang kampanya ng pulisya na sugpuin ang mga krimen na maaaring makagulo sa katahimikan ng komunidad, lalo na ngayong kasagsagan ng pagdiriwang ng Yuletide Season. Layon din ng operasyon na masiguro ang pagsunod sa mga batas trapiko at regulasyon para sa kaligtasan ng mga motorista at residente.









Comments