top of page
bg tab.png

Angat MPS, Naglatag ng Anti-Criminality Checkpoint


Upang mas paigtingin ang seguridad sa gitna ng holiday season, nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint Operation ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Tapatan, Brgy. Marungko ngayong ika-29 ng Disyembre, 2025.


Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas (Duty OD), sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Ang nasabing hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng himpilan na mapataas ang antas ng kaligtasan ng publiko, pigilan ang anumang balak na kriminalidad, at maipatupad ang mga lokal na ordinansa. Layunin nito na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa buong nasasakupan ng Angat habang papalapit ang pagtatapos ng taon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page