top of page
bg tab.png

Angat MPS, Nagbabala Laban sa Pagpopondo sa Terorismo sa Ilalim ng R.A. 10168


Upang mapanatili ang kapayapaan at pigilan ang anumang anyo ng suporta sa mga teroristang grupo, masigasig na ipinapaalala ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa publiko ang mga probisyon ng Republic Act No. 10168 o ang The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) upang pigilan ang pagdaloy ng pondo at pinansyal na tulong na ginagamit sa pagpapalaganap ng terorismo sa bansa.


Binigyang-diin ng Angat MPS na ang pagpopondo sa terorismo ay isang mabigat na krimen na may kaukulang parusa sa ilalim ng batas.


Nanawagan ang pamunuan ng Angat MPS sa buong komunidad na maging maingat at huwag magpaloko o magpadala sa mga humihingi ng donasyon o tulong na may kaugnayan sa mga ilegal o teroristang grupo. Ang koordinasyon ng mamamayan at pulisya ay mahalagang prayoridad upang mapanatiling ligtas at payapa ang bayan ng Angat.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page