Angat MPS, Nagbabala Laban sa Motornapping
- Angat, Bulacan

- Dec 29, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya laban sa nakawan ng motorsiklo, ginamit ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang "Visitorial Power" sa pamamagitan ng pag-inspeksyon sa Christopher Motorcycle Shop sa Brgy. Taboc ngayong araw, Disyembre 29, 2025.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Pangunahing layunin ng aktibidad na ito na paalalahanan ang mga may-ari ng talyer at ang mga mamimili na maging mapagmatyag laban sa mga modus ng mga kriminal. Binigyang-diin ng pulisya na huwag masilaw sa murang halaga ng mga pyesa o motorsiklo, at iwasan ang pagtanggap ng mga pinapa-remodel o pinapa-repaint na unit nang walang maipakitang kaukulang dokumento gaya ng OR/CR o patunay ng pagmamay-ari.









Comments