top of page
bg tab.png

Angat MPS, Maagang Nag-Ronda sa Tapatan Road


Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang ligtas na pamayanan, nagsagawa ng Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Tapatan Road, Brgy. Marungko ngayong ika-3 ng Enero, 2026.


Ang operasyon na nagsimula bandang alas-6:00 ng umaga ay pinangunahan ni Pat John Lloyd Lobos (Patrol PNCO), sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola (OIC). Ang presensya ng kapulisan sa nasabing oras ay naglalayong magbigay ng seguridad sa mga maagang bumibiyahe, nagtatrabaho, at nagbubukas ng kani-kanilang mga negosyo.


Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang estratehikong paglalagay ng mga tauhan sa mga pangunahing kalsada ay isang epektibong paraan upang makontrol ang kriminalidad at matiyak ang public safety. Layunin nitong gawing mas ligtas ang bayan ng Angat bilang isang lugar na mainam panirahan, pagtrabahuhan, at pagdausan ng komersyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page