Angat MPS, Higpit-Bantay sa Pamilihang Bayan
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read
Bilang bahagi ng kampanyang "Ligtas Paskuhan," mas pinalakas ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang presensya at pagpapatrolya sa Pamilihang Bayan ng Angat.
Layunin ng nasabing operasyon na masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayang dumadagsa para sa kanilang huling minuto na pamimili bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa ilalim ng pamumuno ng Angat MPS, patuloy ang pag-iingat at pagbabantay upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen gaya ng pagnanakaw. Ang aktibong presensya ng kapulisan sa mga matataong lugar ay naglalayong magbigay ng kapanatagan sa publiko at ipakita ang kahandaan ng hanay ng pulisya sa anumang oras.









Comments