top of page
bg tab.png

Angat MPS, Ginamit ang Visitorial Power sa mga Junkshop sa Marungko Upang Sugpuin ang "Anti-Fencing"


Bilang bahagi ng kampanya laban sa pagbebenta ng mga nakaw na kagamitan, nagsagawa ng inspeksyon ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa mga junkshop sa Brgy. Marungko nitong ika-3 ng Enero, 2026.


Ang operasyon, na nagsimula bandang alas-9:30 ng umaga, ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas (Duty OD), sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola (OIC). Ginamit ng kapulisan ang kanilang Visitorial Power upang masigurong sumusunod ang mga establisyimento sa Presidential Decree 1612 o ang Anti-Fencing Law.


Pangunahing layunin ng aktibidad na ito na masigurong walang junkshop ang tumatanggap o nagbebenta ng mga "fenced" o nakaw na materyales tulad ng mga copper wires, mga metal scraps, o mga pyesa ng sasakyan.


Ayon sa Angat MPS, ang hakbang na ito ay bahagi ng 7-Focused Agenda ng Acting Chief PNP sa ilalim ng Anti-Criminality Campaign upang putulin ang merkado ng mga ninanakaw na kagamitan sa komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page