Angat MPS at CWL, Nagsagawa ng Banal na Misa at Feeding Program para sa mga PUPC
- Angat, Bulacan

- Jan 2
- 1 min read
Updated: 4 days ago

Bilang bahagi ng pagpapatibay sa moral at espiritwal na aspeto ng mga nasa piitan, nagsagawa ang Angat Municipal Police Station (MPS) ng isang Jail Apostolate at Feeding Program ngayong ika-2 ng Enero, 2026.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Angat MPS sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola (OIC), katuwang si PCPT Lydio Venigas (Duty OD). Nagsimula ang programa sa isang Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Lester Cabais, kura paroko ng Sta. Monica Church, sa tulong at suporta ng Catholic Women’s League (CWL).









Comments