Angat MPS at ATODA, Nagkaisa para sa Kampanyang 'Iwas Paputok'
- Angat, Bulacan

- Dec 29, 2025
- 1 min read

Upang masiguro ang isang payapa at ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon, nagsagawa ng coordination and dialogue ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa mga miyembro ng Angat Tricycle Operators and Drivers Association (ATODA) sa Brgy. Sta. Cruz ngayong araw, Disyembre 29, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Tinalakay sa nasabing dayalogo ang kampanyang "Ligtas Paskuhan: Iwas Paputok" at ang mga mahahalagang probisyon ng RA 7183 (Firecrackers Law). Layunin ng hakbang na ito na palakasin ang ugnayan ng pulisya sa mga transport groups upang maging katuwang sila sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapakalat ng impormasyon para sa kaligtasan ng buong bayan ng Angat.









Comments