Angat MDRRMO, Nagsagawa ng Capacity Building para sa mga Empleyado ng Hansei Corporation
- Angat, Bulacan

- Apr 29
- 1 min read

Upang masiguro ang kahandaan ng mga empleyado sa oras ng mga hindi inaasahang sakuna at emerhensiya, matagumpay na nagsagawa ng pagsasanay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayan ng Angat sa Hansei Corporation nitong Abril 22 at 23, 2026.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang tugon sa kahilingan ng kumpanya na mabigyan ng sapat na kakayahan at kaalaman ang kanilang mga manggagawa pagdating sa tamang pagresponde sa mga insidente.
Ang programa ay pinangunahan nina Ma. Lourdes A. Alborida, LDRRMO III, at Jenny B. Santos, Administrative Aide, katuwang ang mga instruktor ng Basic Life Support - Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) with Automated External Defibrillator (AED) na sina G. Steven Carlo Atienza, G. Marvin Gabriel, G. Jerico Emmanuel Saligao, G. Bryan Quijano, G. Sherwin Cruz, at G. Crizalde Santiago.
Sa dalawang araw na pagsasanay sa loob ng pasilidad ng Hansei Corporation, itinuro sa mga empleyado ang mga sumusunod na mahalagang kasanayan:
Basic Life Support (BLS): Tamang pagsasagawa ng CPR at paggamit ng AED.
First Aid Management: Mga kasanayan sa paglalagay ng benda (bandaging) at pag-splint (splinting).
Rescue Operations: Mga tamang pamamaraan sa pagbubuhat at paglipat ng pasyente (lifting and moving).
Mainit na tinanggap ng pamunuan at mga empleyado ng Hansei Corporation ang mga kawani ng Angat MDRRMO. Ang matagumpay na kolaborasyong ito ay patunay ng patuloy na pagpapahalaga ng pribadong sektor sa kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Angat, ang layunin ng ganitong mga pagsasanay ay matiyak na ang bawat mamamayan at manggagawa ay handa, ligtas, at panatag sa anumang sitwasyon.









Comments