top of page
bg tab.png

Angat LYDO Alexies Marasigan, sumailalim sa Training of Trainers sa Makati

Oct 10
1 min read

Nakiisa si Local Youth Development Officer (LYDO) Alexies E. Marasigan ng Bayan ng Angat sa isinagawang Sangguniang Kabataan (SK) and Local Youth Development Council (LYDC) Mandatory Training – Training of Trainers noong Oktubre 8 hanggang 10, 2026, sa Lungsod ng Makati.


Dinaluhan ang nasabing tatlong araw na aktibidad ng mga LYDO mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas upang palakasin ang kanilang kakayahan sa pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga lokal na pinuno ng kabataan.


Layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga tagapagsanay sa mabisang pagtuturo sa mga opisyal ng SK at mga kasapi ng LYDC, partikular sa mga larangan ng pamumuno, estratehikong pagpaplano, at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng kabataan.


Ayon sa pamunuan ng Angat LYDC, ang patuloy na pagkatuto at pagpapahusay sa kasanayan ng mga tagapagsanay ay mahalagang hakbang upang maisalin ang mga bagong kaalaman sa mga konkretong proyekto para sa kapakanan at kaunlaran ng kabataang Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page