top of page
bg tab.png

Angat LYDC, Nagdaos ng 3rd Quarterly Meeting para sa mga Programang Pangkabataan

Oct 5
1 min read


Muling nagsama-sama ang mga kinatawan ng kabataang Angatenyo sa ginanap na 3rd Quarterly Meeting ng Angat Local Youth Development Council (LYDC) upang magbahagi ng mga ulat, magpalitan ng ideya, at talakayin ang mga susunod na plano ng konseho.


Pangunahing naging paksa sa pagpupulong ang pagsusuri sa mga kasalukuyang programa, plano, at iba pang usaping may kaugnayan sa youth development at participatory governance. Binigyang-daan din sa pagtitipon ang pagdinig sa mga mungkahi at usapin mula sa mga miyembro ng konseho.


Naging tampok sa naturang pagtitipon ang opisyal na pagtanggap sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Pres. Diosdado P. Macapagal National High School bilang pinakabagong miyembro ng Angat LYDC.


Ayon sa pamunuan ng konseho, ang patuloy na pagpapalawak ng kasapian ay naglalayong palakasin ang boses ng kabataan sa pagbalangkas ng mga makabuluhang patakaran at proyektong pangkabataan sa buong Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page