Angat LGU, Pinarangalan sa GAWAD KALASAG 2025
- Angat, Bulacan

- 7 days ago
- 1 min read

Pormal at personal na tinanggap ni Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Punongbayan ng Angat, ang pagkilala para sa Bayan ng Angat at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos ang matagumpay na pagpasa sa GAWAD KALASAG 2025.
Kasama ni Mayor Bautista sa pagtanggap ng parangal si G. Carlos R. Rivera, ang MGDH I at MDRRMO Officer. Ang karangalang iginawad sa Angat ay nagpapakita ng kanilang matagumpay na pagpasa sa assessment ng disaster preparedness, buong pusong dedikasyon sa serbisyo para sa pagpapaigting ng Ligtas at Handa na pamayanan.
Ang GAWAD KALASAG ay isang seremonya ng parangal para sa mga natatanging Local Disaster Risk Reduction and Management Office na nagpapatupad ng maayos, tapat, at makabuluhang programa, aktibidad, at proyekto para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Ayon sa MDRRMO, ang pagkilala ay patunay ng pagtalima ng Bayan ng Angat sa pagpapalakas sa komunidad, na sumasalamin sa isang pamumunong, may puso at pagkalinga, may patutunguhan para sa patuloy na Asenso at Reporma ng Bayan.









Comments