Angat LGU, Nagbigay-Diin sa Karapatang Pantao Ngayong International Human Rights Day
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Human Rights Day ngayong Disyembre 10, naglabas ng pahayag ang Pamahalaang Bayan ng Angat upang pagtibayin ang kahalagahan ng karapatang pantao.
Binigyang-diin ng LGU ang prinsipyo na ang bawat mamamayan—anuman ang edad, kasarian, kakayahan, o pinagmulan—ay may pantay na karapatan at dignidad.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, sa Angat ay patuloy nilang isinusulong ang pagkakapantay-pantay, katarungan, paggalang sa karapatang pantao.
Paniwala ng LGU na ang isang bayan ay tunay na umuunlad "kapag ang dignidad at karapatan ng bawat isa ay pinangangalagaan, iginagalang, at pinahahalagahan."








Comments