top of page
bg tab.png

Angat Ipinagdiwang ang Elderly Filipino Week, Kinilala ang Walong Centenarians

ree

ANGAT, BULACAN — Pinagdiwang sa Bayan ng Angat ang Elderly Filipino Week na may temang “Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose.” Ang taunang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Proclamation No. 470, s. 1994, na naglalayong kilalanin ang malaking ambag ng ating mga nakatatanda at paigtingin ang kamalayan ng publiko sa kanilang karapatan, dignidad, at kahalagahan sa lipunan.


Pinangunahan ang programa ni MSWDO Menchie M. Bollas at mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office, kasama si Punong Bayan Reynante S. Bautista, FSCAP President Elisa Vicente, at OSCA President Rita L. Cruz, bilang pakikiisa sa makabuluhang selebrasyon.


ree

Bilang tampok na bahagi ng aktibidad, binigyang-pagkilala at pagpapahalaga ang walong centenarians mula sa iba’t ibang barangay ng Angat bilang simbolo ng pagkilala sa kanilang mahabang panahon ng pamumuhay, paglilingkod, at inspirasyon sa komunidad:

  1. Beatriz G. Ramos – Brgy. Marungko

  2. Severino R. Santos – Brgy. Niugan

  3. Adela E. Sarmiento – Brgy. Sto. Cristo

  4. Semoana C. Samuel – Brgy. Binagbag

  5. Sotera F. Villanueva – Brgy. Sto. Cristo

  6. Mamerto T. De Guzman – Brgy. Niugan

  7. Clarita F. De Guzman – Brgy. Sta. Cruz

  8. Nemencia V. Feliciano – Brgy. San Roque


Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagpapatupad ng mga programang nagbibigay-suporta at pagkalinga sa ating mga lolo’t lola. Sa kanilang talino, tiyaga, at kabutihan, patuloy na nahuhubog ang mga kabataang Angateño at ang buong pamayanan tungo sa isang lipunang may malasakit, pagkakaisa, at paggalang sa mga nakatatanda.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page