Angat, Ginunita ang Kapanganakan ng Ama ng Katipunan
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Ginunita ng Pamahalaang Bayan ng Angat ngayong araw, Nobyembre 30, ang kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, isang lider na hindi lamang lumaban, kundi nagmulat ng diwa ng tapang at pag-asa para sa bansa.
Mula sa kanyang pagkakatatag ng Katipunan hanggang sa kanyang walang pagod na paninindigan, nananatiling buhay ang apoy ng kanyang rebolusyon.
Ang pangalan ni Bonifacio na “Andres” ay hinango mula kay St. Andrew the Apostle, na ang kapistahan ay ipinagdiriwang din tuwing Nobyembre 30.
Sa paggunita kay Gat Andres Bonifacio, nanawagan ang Bayan ng Angat na manatili sa bawat isa ang:
Tapang na humubog sa kasaysayan.
Pagkakaisa na patuloy na bumubuo sa kinabukasan.
Hinimok ang mga mamamayan na pahalagahan ang aral ng rebolusyon, ang paninindigan, pagsasama, at tunay na pagmamahal sa bayan.









Comments