ALBO-Bulacan Chapter, Nagdaos ng Monthly Meeting sa Bayan ng Angat

Ginanap sa Bayan ng Angat ang buwanang pagpupulong ng Association of Local Budget Officers (ALBO)-Bulacan Chapter, na dinaluhan ng mga Local Budget Officers mula sa iba't ibang bayan at lungsod sa buong lalawigan ng Bulacan.
Pinangunahan ni Angat Municipal Budget Officer Leni D. Enriquez ang naturang pagtitipon na naglalayong patatagin ang ugnayan, koordinasyon, at pagbabahaginan ng kaalaman ng mga opisyal ukol sa wastong pamamahala ng pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Nagpaabot ng kanyang mensahe si Mayor Reynante S. Bautista sa mga dumalo, habang sina ALBO President Earl Michael M. San Miguel at Provincial Budget Officer/ALBO Adviser Francisco T. De Guzman Jr. naman ang nagbahagi ng mga mahahalagang paksa at paalala hinggil sa budget matters at iba pang kaugnay na usapin.
Naging bahagi rin ng programa ang isang Open Forum kung saan malayang nakapagpalitan ng opinyon, karanasan, at mga solusyon ang mga dumalong budget officers para sa mas maayos na pagpapatupad ng local budgeting process.
Ayon sa LGU Angat, patuloy nilang susuportahan ang mga ganitong inisyatiba upang matiyak ang isang tapat, transparent, at mahusay na pamamahala sa pananalapi sa bawat bayan sa Bulacan.











Comments